totoo ba ang rent to own?

The Truth About Rent-To-Own Ads- Totoo ba or Paasa lang?

The Truth About Rent-To-Own Ads- Totoo ba or Paasa lang?

Gusto mo bang makalipat agad sa pangarap mong bahay? Sawang-sawa ka na magbayad ng renta na nauuwi lang sa wala? Then for sure, naghanap ka ng RENT-TO-OWN properties sa internet at natuwa ng makita mo na madami palang ganito. Sa halagang halos kaparehas ng current rent mo, pwede ka ng makalipat sa bahay na pagdating ng panahon ay mapupunta sayo. Kasi nga, RENT-TO-OWN sya.

Di nga? Totoo ba ito?

Kung gaya mo, naloko ka narin ng mga real property ads sa internet na nagsasabi na sila daw ay RENT TO OWN. Akala mo, parang mag-rent ka lang na kailangan lang ng one month advance and two months deposit then lipat agad na. Subalit, ng mag tripping kayo, nadismaya ka na malaman na ang bahay na gusto mo ay hindi pa pala naitatayo at, ang masaklap, kailangan mo pa ng malaking downpayment or equity.

totoo ba ang rent to own?

Truth About Rent-To-Own Ads

Inisip mo marahil na HOAX or peke or paasa lang ang mga RENT TO OWN ads. Na manloloko lang ang mga real estate agents dahil hindi totoo na meron Rent To Own scheme.

Pero according to INVESTOPEDIA, nag-eexist ang RENT-TO-OWN.

In a traditional home purchase, an offer is accepted, the buyer and seller meet to exchange funds and settle final costs, and, at the close of the transaction, the property and its title changes hands. Typically, buyers use a mortgage to finance the bulk of the purchase.

But sometimes there is an alternative way to buy a home: a rent-to-own agreement, also called lease option or lease-to-own. When buyers sign this kind of contract, they agree to rent the home for a set amount of time before exercising an option to purchase the property when or before the lease expires.

Source: Investopedia | Rent To Own Homes: How The Process Works

Ayun, possible naman daw ang RENT TO OWN na minsan tinatawag na LEASE TO OWN. Subalit, hindi ito common na type ng pagbili ng bahay. Madami pa rin pasikot pasikot na involved sa totoong RENT TO OWN option. Hindi rin para sa lahat ng tao ang RENT TO OWN kasi minsan, dehado pa ang bibili ng bahay kapag pumasok sa ganitong scheme.

Rent To Own – Meron ba sa Pilipinas?

Kung babasahin mo ang mahabang article ng Investopedia tungkol sa RENT TO OWN process, mapapansin mo na ito ay nangyayari lang sa ibang bansa gaya ng US. Sa Pilipinas, bihira at halos walang nangyayaring RENT TO OWN. Wala pa akong nakilalang developer na talagang pumayag sa RENT TO OWN scheme. (Kung meron kang alam, mag iwan ka ng comment sa baba).

Possibleng may RENT TO OWN scheme kung direct to seller ang pagbili mo ng bahay. Pero mag-ingat! Basahin ng maigi ang kontrata at kumausap ng lawyer na bihasa sa real estate. Kasi baka mamaya, sobrang dehado sayo ang RENT TO OWN contract.

So ano ang mga ads na RENT-TO-OWN?

Sadly, bait lang ang mga ads na ito. Ibig sabihin, gusto lang nila na mahumaling ka sa RENT TO OWN title ng ads nila para tingnan mo ang bahay na binebenta at hopefully, bilhin mo ito. Subalit, hindi totoo na RENT TO OWN dahil:

  1. Kailangan mo pa talaga magbayad ng downpayment or equity na usually 20% ng total contract price and;
  2.  Kailangan mo pa mag antay maitayo ang subdivision at ang bahay dahil usually preselling ang mga projects na mababa ang monthly payments (halos kapresyo ng pagrerenta)

Kaya kapatid, wag ka masyado umasa or maging emosyonal sa pagbili ng pangarap mong bahay. Sabi nga ni Rich Dad, Poor Dad author Robert Kiyosaki, ang pagbili daw ng bahay ay kalimitan emotional decision para sa isang tao.

When you think about it, three of our biggest financial decisions in life are made at times of peak emotional excitement: deciding to get married, buying a home, and having kids. Robert Kiyosaki

Huwag ka magpadala sa mga click-bait ads ng RENT TO OWN properties. Naipakita ko na sa taas ang truth about Rent-To-Own ads. Walang ganun (or sobrang bihira) sa Pilipinas. Maging mapanuri at mapagsaliksik. Alamin ng maigi kung anong property ang bagay sayo. Higit sa lahat, magipon ng maayos para sa bahay na gusto mo.

For your guidance, meron kaming mga bahay na pwede nag LIPAT AGAD or ready for occupancy: 

Sonoma Residences Townhouses and Single Attached

Meron din kami preselling houses na may BIG DISCOUNTS pa:

Lumina Homes Baliwag Angelique, Angeli TH and Angeli SF Models

CALL / VIBER +63.905.277.2269 for free tripping.

Inquire Today!